Linggo, Enero 1, 2012

Bagong Papel sa landas ng aking Buhay

Ika-1 ng Enero 2012

                                                       
     Ngayon ang simula ng araw ng 2012 ay naisipan kong magblog upang magsilbing gabay ko sa pagtahak ng aking buhay. Maraming mga katanungan ang sumasagi sa aking isipan ngayong araw na ito gaya ng mga gunita na malulungkot at masasaya na dala nang nagdaaan na taon. Ang PAPEL na ito ay aking nalikha upang magbigay ng aking mga kaisipan tungo sa taon na ito.


           PAPEL                                                                          


                  "Papel na lukot-lukot at panay sulat na madumi sa basurahan ay bagay, Papel na malinis sa matulis na lapis ay bagay"


Ang mga bagay o pangyayari sa ating buhay na malulungkot at masasama ay dapat na nating limutin at sa bagong taon ay atin itong palitan ng masasayang pangyayari. Isa lamang ako sa mga taong pilit na nililimot ang mga pangyayaring ito. Sa  nakalipas na taon ay nagimbal ang ating bansa sa mga pangyayaring tunay na tumatak sa ating puso't isipan. Katulad na lamang sa mga sakuna na hatid ng kalamidad, kalunos-lunos ang nangyari sa mga  kababayan natin sa Cagayan De Oro at Iligan City dahil marami sa kanilang ang nawalan ng tirahan maging ang kani-kanilang mahal sa buhay dulot ng Bagyong SENDONG. Sa kabila nito ay makikita sa kanilang mga mata sa oras ng kanilang kapighatian ang pag-asa at lakas  ng loob na malagpasan ito. Ang Diyos ay hindi nagbibigay ng pagsubok na hindi natin kayang lutasin kaya't ang panalangin ko sa mga nasalanta ng bagyong ito ay patuloy na magtiwala ay huwag mawalan ng pag-asa. Ang mga pangyayaring ito ay ang mga lukot at maduming sulat sa papel ng ating buhay na dapat ng itapon at limutin. Tayo'y tulad ng isang lapis na guguhit o susulat ng bago nating pangyayari sa ating buhay.


"Ang pagtulak sa bagong taon ng 2012 ay isang pagpapala na bigay ng Diyos na dapat nating tamasahin. Bigyan nating ng pagpupunyagi ang pagtahay dito."




1 komento: