Linggo, Enero 1, 2012

May Pag-asa pa!

                                                 
                                            Batang lansangan, May Pag-asa pa

                             Bawat lansangan ay lagi silang laman, mga batang lumaki sa ganitong lugar. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kanilang kinahihinatnan, ang puso ko ay parang sinisilaban tuwing makikita ko sila. Sabi ko nga sa aking sarili, " Kung mayaman lang ako, tutulungan ko sila" pero tulad nila ako ay mahirap pa rin. Hindi pa huli ang lahat marami pa ang may ginintuang puso na sana'y tumulong sa kanila. Sila'y maituturing  na pag-asa ng ating bayan kaya't marapat na sila'y tulungan.
                              "Palimos po, palimos po", katagang naririrnig natin sa kanila. Hindi ba natin alam na ang limos na kanilang hinihingi ay pag-asa na makaalis sa lusak ng kahirapan. Sana'y sa kaunting barya na ating ililimos sa kanila ay pag-asa ang maging hatid sa kanila.
                             " Batang lansangan ay may Pag-asa pa ". may pag-asang umahon at maging kapaki-pakinabang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento